Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte na ikonsiderang paluwagin ang umiiral na quarantine status sa bansa kung matuturukan ang 2-milyong Pilipino.
Ito’y ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles nang tanungin ito kung bukas ba ang pangulo sa pagpapanumbalik sa face-to-face classes kung magtutuloy-tuloy at mas marami pang matuturukan ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dagdag pa nito, ang gusto lamang ng pangulo ay matiyak na magpapatuloy ang pagbabakuna sa bansa kadikit ang kaligtasan ng bawat-isa.
Magugunitang makailang beses nang sinabi ng pangulo na hindi nito papayagan na malagay sa panganib ang buhay ng sinuman.