Tiniyak ng Duterte Administration na handa ang gobyerno na magpatupad ng salary increase para sa mga kawani ng gobyerno basta’t may suporta mula sa Kongreso.
Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa gitna ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at mga pangunahing bilihin.
Ayon sa punong ehekutibo, mayroong konteng pera ang pamahalaan at maganda narin ang tax collection ng bansa kaya’t maari nang pondohan ang dagdag sweldo ng mga kawani ng gobyerno.
Giit ng pangulo, kung may sobrang pera ang gobyerno, dapat lamang na ibigay ito sa tao kaysa mapunta lamang sa bulsa ng mga tiwaling government officials.
Pagtitiyak ni Pangulong Duterte na hindi niya pahihintulutang mapunta sa korapsyon ang sobrang pera ng gobyerno kaya’t ibibigay niya na lamang ito sa mga kawani ng pamahalaan.
Subalit paliwanag ng pangulo, para maipatupad ang salary increase ng mga taga-gobyerno, kailangang magpasa ang kongreso ng batas para dito.