Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa rekomendasyon na patawan ng kasong kriminal ang sinumang magkakalat ng COVID-19.
Ito’y makaraang sang-ayunan ni Pangulong Duterte ang pinalutang na ideya ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na kasuhan ng murder ang sinumang COVID-19 patient na mananadyang manghawa ng kapwa.
Kabilang ang legal consequence para sa intentional virus transmission sa mga tinalakay sa pulong ng Pangulo, ilang cabinet member at iba pang government official kaugnay sa pandemic response.
Yung sabi mo murder although medyo malayo sa isip ng tao iyan,but it is possible if he knows that he is sick with COVID-19 and he go’s around…papasyal pasyal ka lang, maybe if it is intentional malayo yan pero it could be murder, sabi nga ni SAL at kung hindi yung reckless imprudence mas swak doon sa sitwasyon doon, pahayag ng Pangulong Duterte”.— sa panulat ni Drew Nacino