Bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa lamay ng yumaong si Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal kagabi.
Matapos na makisaya sa Masskara Festival sa Bacolod City ay dumiretso ang Pangulo sa Cebu Metropolitan Cathedral para magbigay ng huling pagrespeto sa yumaong kardinal.
Nangako pa ang Pangulo na pagdating niya sa Maynila ay agad niyang lalagdaan ang isang executive order na nagdedeklarang holiday sa buong Cebu ang Oktubre 26 ang araw ng paglilibing kay Cardinal Vidal.
(Credit: Presidential Photos)