Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lalawigan ng Cagayan para alamin ang sitwasyon sa lugar na matinding binaha bunsod ng Bagyong Ulysses.
Pasado alas-12 ng kaninang tanghali nang lumapag ang presidential chopper sakay ang pangulo sa Tuguegarao Airport kasama si Sen. Christopher ‘Bong’ Go.
Bago ito, nagsagawa muna ng aerial inspection ang pangulo sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela na nakaranas ng pagbaha matapos magpakalawa ng tubig ang Magat Dam.
Agad namang pinulong ng pangulo ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at tiniyak nito sa mga Cagayanon na ginagawa ng gubyerno ang lahat upang maibalik sa normal ang sitwasyon.
To my countrymen here in Cagayan Valley, rest assured that we are working hard to rebuild your lives after this calamity. We know your anguish and we will respond with urgency with the bayanihan spirit of the Filipino. To my fellow countrymen we will break all the challenges ahead and emerged a stronger nation. ani Duterte