Bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa lalawigan ng Cagayan para tingnan ang sitwasyon makaraang manalasa doon ang Bagyong Ompong.
Bago iyan, nagsagawa muna ng aerial inspection ang pangulo bago ito lumapag sa provincial capitol ng Cagayan kung saan nagsagawa ito ng command conference kasama ang mga miyembro ng gabinete.
Isa-isang nag-ulat sa pangulo ang mga miyembro ng gabinete na kaniyang sinugo sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Ompong sa pangunguna ni Presidential Adviser on Political Affairs Sec. Francis Tolentino, Transportation Secretary Arthur Tugade at Labor Secretary Silvestre Bello III.
Ibinalita ni Tolentino ang lagay ng peace and order gayundin sa bilang ng mga apektado ng bagyo, lagay naman ng imprastraktura ang ini-ulat ni Tugade habang ang sektor ng mga manggagawa at negosyo ang ini-ulat ni Bello partikular na ang sitwasyon ng mga bilihin sa lugar.
Kasunod nito, nagpaabot din ng pakikiramay ang pangulo sa pamilya ng mga nasawi bunsod na rin ng pananalasa ng bagyo.
#INPHOTOS: Aerial Inspection ni Pangulong Duterte sa Cagayan na sinalanta ng Bagyong Ompong | via @jopel17
Photos from: SAP Bong Go pic.twitter.com/1X17FyisXB
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 16, 2018