Lumipad ng Indanan, Sulu si Pangulong Rodrigo Duterte, kahapon.
Ito ay upang bisitahin ang Camp Bud Datu na magugunitang pinasabugan ng suicide bombers na ikinasawi ng walo katao kabilang ang tatlong sundalo noong Hunyo 28.
Kasama ng pangulo na bumisita sa kampo sina Senador Bong Go, Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez, Defense Secretary Delfin Lorenzana at Presidential Adviser for Military Affairs Arthur Tabaquero.
Dahil sa sorpresang pagbisita ni Pangulong Duterte sa Indanan, ipinagpaliban sa Huwebes, July 18 ang nakatakda sanang pakikipagkita nito sa 65 sinibak na empleyado ng Bureau of Customs dahil sa korapsyon.