Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puntod ng kanyang mga magulang sa Davao Public Cemetery ngayong araw.
Pasado ala-1:00 kaninang madaling araw ay dumating ang Pangulo kasama ang kanyang anak na si Sebastian ‘Baste’ Duterte sa museleyo ng kanyang ama’t ina.
Hindi na nagpahintulot pa ng interview sa mga nag-aabang na media ang Pangulo bagkus ay dumiretso na sa libingan kung saan siya nag-alay ng dasal.
Tradisyunal na dumadalaw ang Pangulo sa libingan ng kanyang mga magulang tuwing November 1 ngunit hindi niya ito nagawa ngayong taon dahil sa kanyang naging official visit sa Japan.