Muling nakatikim ng maaanghang na salita mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinatawan ng United Nations-Human Rights Council kaugnay sa issue ng anti-drug war ng gobyerno.
Ito’y makaraang makarating kay Pangulong Duterte ang batikos ni UN High Commissioner at Prince of Jordan na si Zeid Ra’ad al Hussein na dapat sumailalim siya sa psychiatric evaluation.
Sa pagbisita sa mga sundalo sa Western Mindanao Command sa Zamboanga City, muling inabisuhan ng pangulo ang mga pulis, sundalo at uniformed personnel na huwag ng pansinin ang ikinakasang imbestigasyon ng UN hinggil sa drug war.
G*go itong chief nila [UN Human Rights Chief Zeid Ra’ad al Hussein]. Nagagalit sila kasi ang sabi ko, do not answer questions for them and that is reason is legal, which is provided in the constitution. Pahayag ni Pangulong Duterte
Nagbigay paliwanag pa ang pangulo sa mga kontra sa drug war na hindi basta-basta magsasalita ang mga otoridad alinsunod sa mga batas sa Pilipinas.
Kung magpuntahan dito ‘yung mga g*go, may buwaya ba rito? ‘Yung kumakain talaga ng mga tao, doon natin itapon ang mga bullsh*t. Sabi nila, they are investigating us.. Kayong mga ugok, if you are investigating us, the rules of criminal law is any statement that you might give might incriminate you. Kaya the best way is to just keep silent. Pagbabanta ni Pangulong Duterte
Matatandaan na hinamon ni Zeid si Pangulong Duterte na sumailalaim sa psychiatric evaluation sa gitna ng mga banat nito sa ilang UN official na pumupuna sa war on drugs ng gobyerno.