Malaki ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Marcos Administration hinggil sa pagpapatuloy ng drug war sa bansa.
Kumpiyansa si Pangulong Duterte na masosolusyonan ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasama ang kaniyang mga gabinete na mapupuksa ang iligal na droga na talamak sa Pilipinas.
Naniniwala si Duterte na hindi hahayaan ng mga militar at mga tauhan ng Philippine National Police o PNP na manaig ang mga suspek na sangkot sa iligal na droga.
Ayon sa Pangulo, pinayuhan niya ang mga ito na huwag matakot sa kapangyarihan ng drug personalities.