Nanindigan ang Malacañang na buo na ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statute na lumikha sa International Criminal Court o ICC.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, huli na ang pakiusap ng ICC sa bansa na huwag na itong mag-withdraw sa kanila dahil hindi na magbabago pa ang isip ng Pangulo.
Dagdag pa ni Roque, naipadala na ng Pilipinas ang notice of withdrawal sa United Nations Secretary General Office.
Muli ding iginiit ni Roque na dahil sa paglabag ng ICC Special Prosecutor sa “principle of complementarity” na nasa probisyon ng Rome Statute ang pangunahing dahilan kaya nagpasya ang Pangulo na umalis na sa ICC ang Pilipinas.
(Ulat ni Jopel Pelenio)