Nagpahayag ng suporta si Pangulong Rodrigo Duterte kay Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi sa kabila ng panawagan ng mga senador na sampahan ito ng kaso kasunod ng Malampaya Deal.
Sa inilabas na pahayag ng Pangulo, sinabi nito na buo ang tiwala niya kay Cusi at mananatili itong kalihim ng DOE.
Maituturing namang unfair ang desisyon para sa government officials at sa publiko dahil ani ng pangulo, tila ginagawa ng senado ang lahat ng paraan upang siraan ang development sa malampaya gas field.
Kahapon, inihain sa Office of the Ombudsman ang resolusyong humihimok na kasuhan na sina Cusi at iba pang executives ng DOE.
Ilan sa dahilan ay ang tila ‘lutong makaw’ o pre-arrange ang naganap na deal. —sa panulat ni Abby Malanday