Kumpirmado na ang pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbubukas ng 2018 Palarong Pambansa sa Ilocos Sur.
Ayon kay Ilocos Sur Governor Ryan Singson, nakahanda na ang lahat para sa opening ng Palarong Pambansa na gaganapin bukas.
Pagtitiyak pa ni Singson, nakalatag na rin ang kanilang ipinatutupad na seguridad para sa mga batang manlalarong kalahok sa palaro at mga delegado.
Dagdag ng gobernador, nasa Vigan na rin si Education secretary Leonor Briones at iba pang opisyal ng kagawaran sa para sa paghahanda sa Palarong Pambansa.
Bukod kay Pangulong Duterte, dadalo rin sa opening ceremony sina Senador Manny Pacquiao, Paeng Nepomuceno at Games and Amusement Board chairman Eric Buhain.
—-