Hindi na dapat pagtalunan pa kung kanino dapat mapunta ang kredito sa pagiging ganap na batas ng libreng edukasyon sa kolehiyo.
Sa harap na rin ito ng pag-iingay ng ilang mambabatas na sila ang nagsulong ng panukalang batas para sa libreng edukasyon.
Sinabi sa DWIZ ni Commissioner Prospero de Vera ng Commission on Higher Education na kung may dapat bigyan ng kredito ay si Pangulong Rodrigo Duterte dahil siya lang sa lahat ng mga Presidente ang naglakas loob na ilarga ang libreng edukasyon sa kabila ng pagtutol ng kanyang economic managers.
Mayroon na rin aniyang kahalintulad na panukala sa mga nakalipas na Kongreso subalit hindi nagtagumpay dahil ayaw itong isulong ng mga nagdaang Presidente.