Pinayuhan ni Liberal Party President Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang Pangulong Rodrigo Duterte na masanay na sa mga pagpuna at batikos dahil kasama ito sa umiiral na demokrasya sa bansa.
Reaksyon ito ni Pangilinan sa pagmumura at pagbanat ng Pangulo sa dalawang media outlets, sa simbahang katoliko at sa European Union (EU).
Ayon kay Pangilinan, mas tumitibay ang demokrasya sa isang bansa kung umiiral ang malayang pamamahayag.
Binigyang diin ni Pangilinan na marami nang Pangulo na nakipag-girian sa media ang wala na ngayon sa posisyon pero nariyan parin ang media.
By Len Aguirre