Determinado at buo ang loob ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hangarin nitong tuldukan ang laganap na korapsyon sa pamahalaan sa nalalabing panahon ng kanyang panunungkulan para makapag-iwan ng tunay na pagbabago sa bansa.
Ito’y ayon kay Senador Christopher ‘Bong’ Go matapos na purihin ang pangulo matapos na pakinggan ang kanyang panwagan palawakin pa ang saklaw ng binuong task force na magsisiyasat sa mga katiwalian sa Philhealth.
Pagdidiin pa ni Go, walang sasantuhin sa gagawing pagsisiyasat at sisiguradin aniya ng naturang task force ang pagpapanagot sa lahat ng mga may kinalaman sa korapsyon.
Paliwanag ni Go, sa nalalabing taon ng paninilbihan ni Pangulong Duterte, ay ‘di na sila mag-aaksaya ng panahon.
Sa huli iginiit ni Senador Go na sasamahan niya ang pangulo na labanan ang korapsyon sa bansa para manaig ang interest ng taong bayan. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)