Hindi dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ni incoming US President Donald Trump sa White House sa Enero 21.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, karaniwan namang hindi dumadalo sa inagurasyon ng mga bagong Pangulo ng Amerika ang mga head of state.
Tanging ang Philippine Ambassador sa Estados Unidos ang kakatawan sa Pangulo dahil isang domestic event ang opisyal na pag-upo ng bagong presidente ng Amerika.
Bukod anya sa embahador ng Pilipinas, dadalo rin sa inagurasyon ni Trump si National Security Adviser Hermogenes Esperon.
Magugunitang tinawagan ni Trump si Pangulong Duterte sa telepono upang imbitahin sa inagurasyon.
By Drew Nacino