Hindi kumbinsido si Pangulong Rodrigo Duterte na may mga nakaw umanong yaman si dating pangulong Ferdinand Marcos at pamilya nito.
Ito’y kahit pa umabot na sa 170 billion pesos ang narekober ng gobyerno mula sa pamilya Marcos sa nakalipas na tatlong dekada.
Sa kanyang talumpati sa general assembly ng League of Municipalities of the Philippines sa Manila Hotel, iginiit ni Pangulong Duterte na hindi pa naman napapatunayan ang mga akusasyon sa dating first family.
Ipinagtanggol din ng punong ehekutibo ang kanyang naging desisyon na payagang ihimlay sa Libingan ng mga Bayani si dating pangulong Marcos noong November 2016.
‘The law says sino ang pwedeng ilibing sa Libingan ng mga Bayani? Ang sabi ng batas, sundalo o kaya presidente. That’s the law. The other that you want to say is that Marcos is a dictator, etc, etc, until now you have not proven anything except some sequences pero hindi naman sigurado kung kay Marcos yun.”