Umapela ng tulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga konsehal sa bansa para supilin ng tuluyan ang iligal na droga.
Sa kanyang talumpati sa Pasay City kahapon, sinabi ng Pangulo na hindi siya magdadalawang isip maging vigilante kung mabibiktima ng mga sabog sa ipinagbabawal na gamot ang kaniyang anak na babae kung isa lamang siyang sibilyan.
Ayon sa Pangulo, lahat ng mga nakagagawa ng krimen sa kasalukuyan ay sabog na sa ipinagbabawal na gamot at wala nang kinikilalang Diyos o maging batas man.
“I cannot perform a miracle, pero kayo mismo as a citizen, kung ako may baril ako, marami akong baril, if I were just a civilian and you’re lurking within the neighborhood at namatay ang babae mong anak, na-rape o anak ko na natamaan sa droga naging bangag, vivigilantehin talaga kita, I will be a vigilante, hihiritan talaga kita, kung wala nang magawa ang pulis at hindi na ma-kontrol.” Pahayag ng Pangulo
By Jaymark Dagala | Report from Aileen Taliping (Patrol 23)