Burado ang pangalan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng respondents sa kasong kriminal na isinampa ni self confessed hitman Edgar Matobato sa Office of the Ombudsman kaugnay sa mga krimeng ginawa umano ng DDS o Davao Death Squad.
Ayon kay Atty Jude Sabio, abogado ni Matobato nakatanggap siya ng impormasyong hindi na kabilang ang Pangulo sa mga kinasuhan sa pagdukot at pagpatay sa Religious Group Member na si Jun Bersabal nuong 1993, pagpatay sa broadcaster na si Jun Pala nuong 2003 at umanoy pag torture kay Matobato.
Sinabi ni Sabio na maaaring dahil ito sa Presidential Immunity ng Pangulo na hindi naman aniya applicable dahil nangyari ang mga krimen nuong alkalde pa ng Davao ang Pangulo.
By Judith Larino
SMW: RPE