Nabigo si Pangulong Rodrigo Duterte na makadalo sa dalawang mahalagang pulong sa huling araw ng Association of South East Asian Nation Summit sa Laos makaraang sumama ang pakiramdam nito.
Ayon kay Presidential adviser on the peace process Jesus Dureza, hindi maayos ang pakiramdam ni Pangulong Duterte kahapon kaya’t hindi nakadalo sa ASEAN-India at ASEAN -US meetings.
Si Foreign Affairs secretary Perfecto Yasay ang kumatawan sa Pangulo sa dalawang nabanggit na pulong.
Hindi naman nagbigay ng dagdag na detalye si Secretary Dureza kaugnay sa naramdaman ng Pangulo.
Gayunman, nagawa namang makadalo ni Duterte sa East asia Summit kung saan labingwalong world leaders ang kasama sa pulong.
Matapos ang ASEAN summit ay didiretso si Pangulong Duterte sa Indonesia.
By: Drew Nacino / (Reporter No. 23) Aileen Taliping