Muling pinaliguan ng sermon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon, na nangunguna sa imbestigasyon ng umano’y anomalya sa pandemic funds ng gobyerno.
Sa kanyang Talk to the People, nagbalik-tanaw si Pangulong Duterte sa pagiging SBMA Chairman noon ni Gordon na anya’y pinakinabangan nang husto ng Senador sa panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos.
Inungkat din ng Pangulo ang kinasasangkutan umanong katiwalian ni Gordon bilang Chairman ng Philippine Red Cross.
Gusto niya hawakan ang Subic, ngayon wala na ang Subic kanya, may red cross naman siya. May I remind you Senator na alam mo ang corruption mo diyan sa red cross buhay ang nilalaro
Kasi ang kapital mo nga dugo, hindi ka na nahiya diyan p******** ang laro mo diyan buhay, ang kapital mo dugo,”wika ng Pangulong Duterte.
Kinuwestyon naman ng punong ehekutibo kung saan napupunta ang ibinabayad sa red cross ng sinumang nangangailangan ng dugo.
Ang mahirap diyan o mayaman gusto ng dugo sa red cross,nagbabayad isama mo diyan ang mga dugo na kinuha mo diyan sa mga sundalo pati sa mga sibilyan. I’m just trying to reconcile, magbayad ka, maski mahirap ka, saka magpablood letting ka para may maibigay kang tulong sa kapwa mo Pilipino,” pahayag ng Pangulo.
Dahil dito, binantaan ni Pangulong Duterte si Gordon na ipakakagat na lamang niya ito kay “dracula” upang makakuha ng maraming dugo.
Kaya kapag nakausap ko si Dracula ipakagat kita kapag natutulog,kunin lahat ng dugo mo. Marami kang dugo, laki ng katawan mo bilog na bilog puro dugo iyan. Ako galit talaga sa iyo, Gordon sa totoo lang, alam mo kung bakit? Kilala mo ako all these years, hindi mo ako nakita nagbabastos ng tao. Nakita naman ninyo kagabi I behave. I defer to you, pero kapag nawala ang respeto ko sa tao, anak ka ng p******** bababuyin talaga kita hanggang mamatay ka o hanggang harapin mo ako, ” wika ng Pangulong Rodrigo Duterte.—sa panulat ni Drew Nacino