Tumanggi si Pangulong Rodrigo Duterte na pagbigyan ang kahilingan ng CHR o Commission on Human Rights na mabuksan ang lahat ng case folder ng mga napatay sa war on drugs.
Ayon kay DILG o Department of Interior and Local Government Officer in Charge Undersecretary Catalino Cuy, sa kanilang pagpupulong sa Malacañang, iginiit ng Presidente ang una nitong kautusan na hindi maaaring maimbestigahan ang mga pulis at sundalo patungkol sa paglabag sa human rights nang walang basbas nito.
Ito’y kahit pa nagkasundo na ang PNP at CHR nang magpulong ang mga ito sa Camp Crame na magtutulungan sila sa mga imbestigasyon sa mga napapatay sa war on drugs.
Ayon kay Cuy, hahanap na lang sila ng ibang paraan kung paano matutulungan ang CHR sa mga imbestigasyon nito nang hindi binubuksan ang lahat ng case folder.
Umaasa si Cuy na maiintindihan ni CHR Chair Chito Gascon ang desisyon ng Pangulo.
AR / DWIZ 882