Personal na nagpaabot ng pakikiramay at tulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng mga biktima ng bagyong Ompong sa lalawigan ng Benguet.
Nasa P25,000 halaga ng tseke ang iniaabot ni Pangulong Duterte sa bawat pamilya ng mga biktima ng bagyo.
Bukod pa ito sa P20,000 cash bilang burial assistance at mga relief goods mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Baguio City Mayor Mauricio Domogan kay Pangulong Duterte sa pagbibigay nito ng oras para personal na bisitahin ang mga naapektuhan ng bagyong Ompong sa Benguet.
Samanatala, tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mabibigyan ng ibang hanap buhay ang mga minerong mawawalan ng pinagkakakitaan kasunod ng utos ng DENR na mahigpit na kampanya laban sa illegal mining.
—-