Dumipensa si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa ipinatupad na five-day-closure ng mga sementeryo, memorial parks, at columbaria sa bansa.
Ayon sa Pangulo, ang Inter-Agency Task Force for the Management for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na mismo ang nagdesisyon ng paraan para mapigilan ang super-spreader event at maiwasan ang hawahan ng COVID-19.
Aniya, ginagawa ng gobyerno ang lahat upang makontrol ang pagkalat maging ang pagtaas ng nakakahawang sakit.
Matatandaang isinara sa publiko ang mga sementeryo, memorial parks, at columbaria sa buong bansa noong Oktubre 29 hanggang Nobyembre a-2.
Sa ngayon, papayagan nang buksan ang mga ito pero magiging 30% hanggang 50% lamang ang maaaring kapasidad nito. —sa panulat ni Angelica Doctolero