Todo tanggol si DILG Secretary Ismael Sueno kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong magbitiw ng maaanghang na salita laban kay U.S. President Barack Obama.
Iginiit ni sueno na hindi naman direktang minura ni Duterte si Obama.
Aniya, expression lamang ng Pangulo ang pagmumura at ang media lamang ang nagpalaki ng isyu.
Binigyang-diin din ni Sueno na hangga’t nasa likod ng Pangulo ang taumbayan ay wala aniya itong katatakutan.
By: Meann Tanbio / (Reporter No.25) Allan Francisco