Hindi naitago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkadismaya sa Commission On Audit o COA sa isyu ng palpak umanong paggamit ng Department Of Health (DOH) sa P67.3 bilyong COVID-19 funds.
Sa kanyang talk to the nation, iginiit ni pangulong duterte na nasa “emergency situation” ang bansa kaya’t kailangan ang mabilis na transaksyon tulad ng pagbili ng mga kagamitan ng DOH.
Hindi naman anya porket may kakulangan sa dokumento o liquidation ay mayroon ng korapsyon.
There is no just maghintay pa ng requisition… buhay ang pinag-usapan natin dito. I would like to remind COA may auditors ng naka-based diyan. There is a Davao City auditor, ngayon iyang mga transaction na ‘yan lulusot sa local editor, ‘pag doon sa taas pag-audit mabulyaso, now the procurement, the Mayor the whatever…, ″pahayag ng Pangulong Duterte.
Ipinunto rin ng punong ehekutibo na hindi naman trabaho ng COA ang sitahin ang paggastos ng mga ahensya ng gobyerno.
Stop that flagging, God damn it. You make a report do not flag, do not publish it because it will condemn the agency or the person that you are flagging. Huwag naman sige kayo flag nang flag, tapos wala namang na-preso, wala namang lahat, and yet you know that when you flag, there is already a taint of corruption by perception emergency ‘to it is a matter of life, death,″ wika ng Pangulong Duterte. —sa panulat ni Drew Nacino