Hindi naging masaya si Pangulong Rodrigo Duterte sa resulta ng kampanya ng pamahalaan sa kontra ilegal na droga na umabot na sa ngayon ng halos 3 buwan.
Sa kanyang talumpati sa inauguration ng isang power plant sa Misamis Oriental, sinabi ni Pangulong Duterte na kung bibigyan niya ng rating o score ang pamahalaan sa kampanya nito laban sa drugs ay 5 out of 10 lamang umano ang nararapat dito.
Kaugnay nito pinaplano na rin ni Pangulong Duterte na magsagawa ng command conference para sa Philippine National Police upang maiparating aniya sa mga ito ang kanyang pagkadismaya.
Samantala, ininunsyo naman ng pangulo na ang susunod na target ng kanyang kampanya kontra droga ay ang mga piitan sa pilipinas lalo na umano ang New Bilibid Prison.
Matatandaang, mula noong presidential elections ay ipinangako ni Pangulong Duterte ang anim na buwan na pagpuksa sa droga ngunit kamakailan ay nanghingi ito ng isa pang 6 na buwang palugit para sa kampanya kontra illegal na droga.
By: Mariboy Ysibido