Dismayado si Pangulong Rodrigo Duterte sa pananahimik ng Simbahang Katolika at mga Human Rights Group sa mga kinasasangkutang krimen ng mga drug addict tulad ng massacre.
Sa kanyang talumpati sa 11th anniversary ng AFP-Eastern Mindanao Command sa Davao City, kinuwestyon din ng Pangulo ang pagbibingi-bingihan at pagbubulag-bulagan ng simbahan at mga human rights advocate sa mga karumal-dumal na krimen.
Inihalimbawa pa ng punong ehekutibo ang pag-massacre ng mga adik sa limang miyembro ng pamilya sa San Jose Del Monte City, Bulacan noong Hunyo.
Mas pinupuna pa anya ng mga obispo, pari at mga human rights advocate ang mga operasyon ng pulis laban sa mga sangkot sa iligal na droga.
By: Drew Nacino
SMW: RPE