Maagang dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puntod ng kaniyang mga magulang sa Roman Catholic Public Cemetery sa Davao City.
Dahil dito mahigpit na nagpatupad ng seguridad sa nasabing sementeryo.
Nag-alay ang pangulo ng dasal at bulaklak sa libingan ng kaniyang yumaong ama na si dating Davao Governor Vicente Duterte ay inang si ginang soledad.
Kasama ni Pangulong Duterte na nagtungo sa sementeryo si Sen. Christopher Bong Go at Presidential Security Group nito at ang kaniyang common law wife na si Honeylet Avancena.