Dumalo ang Pangulong Rodrigo Duterte sa Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC leaders’ retreat meeting sa Da Nang Vietnam ngayong araw.
Inaasahang makikibahagi ang Pangulo sa ’roundtable discussion’ kung saan unang beses na makakadaupang-palad niya si US President Donald Trump.
Ilan din sa namataang dumalo sa nasabing aktibidad ay sina Chinese President Xi Jinping, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Mexican President Enrique Pena Nieto, South Korean Leader Moon Jae-in at Russian President Vladimir Putin.
Matatandaang kagabi ay bigong makadalo ang Pangulo sa gala dinner dahil sa mahalaga at urgent na rason ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Nakatakda rin ngayong araw ang bilateral talks ng Pangulong Duterte kay Chinese President Xi Jinping at inaasahang matatalakay ang ‘militarisasyon’ sa ilang mga islang sakop ng West Philippine Sea.
Inaasahang magbabalik bansa ang Pangulo bago mag-alas-11:00 mamayang gabi.
(In Photo: President Duterte with South Korean Leader Moon Jae-in)
Credit: Mr. Bong Go
—-