Nakatakdang pangunahan virtually ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isasagawang PMA Alumni Home coming sa Baguio City ngayong araw.
Gaya noong mga nakaraang taon nananatiling mahigpit ang mga ipinatutupad na protocol ng Philippine Military Academy sa gagawing alumni home coming bukas sa Fort Gregorio Del Pilar dito sa Baguio City.
Ayon sa pamunuan ng PMA, Lilimitahan lang sa 5 representative sa bawat klase ang papayagan dumalo ng pisikal sa aktibidad habang ang iba ay dadalo online.
Ipinaubaya ng pma sa bawat klase ang pagpili ng mga magiging kinatawan sa homecoming .
Si Pangulong Rodrigo Duterte ang magsisilbing guest of honor sa programa na inaasahang dadalo sa pamamagitan ng video teleconferencing.
Papayagan namang magsama ng tig iisang family member ang mga alumni na magiging awardee .
Kahapon, ginawaran na ng pagkilala ng PMA ang ilang myembro ng rulling class na PMA Maringal Class of 1988 sa pangunguna nina PNP chief PGEN.Dionardo Carlos, AFP chief of Staff Gen Andres C Centino at PDEA Director General Wilkins Villanueva na pawang tatanggap ng Outstanding Achievement Award.
Gayundin ang mga opsiyal ng AFP tulad nila Army Commanding General Lt/Gen. Romeo Brawner, Navy Flag Officer in Command RAdm. Adeluis Bordado, Air Force Commandant Lt/Gen. Connor Anthony Canlas maging si Coast Guard Commandant RAdm. Leopoldo Laroya.
Inaasahan na dadalo sa aktibidad ang ilang PMA alumni at adopted na kumakandidato sa nalalapit na halalan.
Kabilang na rito sina presidential candidate Sen.Ping lacson na myembro ng PMA class Matatag Class of 1971 at senatorial candidate Ret.Gen.Guillermo Eleazar ng pma na hinirang class of 1987 na parehong tatanggap din ng award sa PMA bukas.
Wala naman abiso kung dadalo si dating Sen.Antonio Trillanes ng PMA Marilag Class of 1995 na kasalukuyan din kumakandidato sa pagkasenador.
Hinihintay pa rin ang kumpirmasyon kung dadalo ang iba pang kandidato sa pangkapangulo gaya nina mayor isko moreno na adopted ng pma Sanlingan Class of 2005, Sen.Manny Pacquiao na adopted ng PMA Tanglaw Diwa Class of 1992 at si Bongbong Marcos na adopted naman ng PMA Matapat Class of 1979.
Sa harap nito muling umapela ang PMA sa kanilang mga alumni at adopted member na wag gamitin ang okasyon para sa pangangampanya. – ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)