Dumating na sa Brunei si Pangulong Rodrigo Duterte upang dumalo sa Golden Jubilee o 50th anniversary ng pagkakaluklok sa trono ni Sultan Hassanal Bolkiah, ngayong araw.
Dakong 11:30 kagabi nang dumating si Pangulong Duterte sa Brunei mula sa Villamor Airbase, sa Pasay City.
Ito’y bilang tugon ng Pangulo sa paanyaya sa kaniya ni ni Bolkiah na itinuturing na isa sa mga maharlikang may pinakamahabang termino pangalawa kay Queen Elizabeth II ng Britanya.
Kasama sa delegasyon ni Pangulong Duterte sina Finance Secretary Carlos Dominguez, Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go; Ambassador Meynardo Montealegre; Presidential Spokesperson Usec. Ernesto Abella; Foreign Affairs Undersecretary Enrique Manalo at Deputy Executive Secretary for Finance and Administration Rizalina Justol.
Inaasahang darating ang Pangulo dakong ala-1:00 ng madaling araw bukas mula Brunei at inaasahang didiretso ito sa Davao City International Airport.
(Ulat ni Jopel Pelenio)