Dumating na sa Moscow, Russia si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang four-day visit na nakatutok sa pagpapatatag ng ugnayan ng Pilipinas at Russia.
Pasado alas kwatro kaninang madaling araw, oras sa pilipinas nang lumapag sa Vnukovo International Airport si Pangulong Duterte kasama ang Philippine delegation.
Sa gitna ng malamig na panahon, mainit na sinalubong ang pangulo ng red carpet ng mga Russian government official.
Bukas nakatakdang magpulong si Duterte at Russian Prime Minister Dmitry Medvedev habang sa Huwebes ay kanyang makakaharap si Russian president Vladimir Putin.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan na bumisita ang pangulo ng Pilipinas sa Russia.
By Drew Nacino
Pangulong Duterte dumating na sa Russia para sa four-day visit was last modified: May 23rd, 2017 by DWIZ 882