Dumating na sa Saudi Arabia si Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagsisimula ng kanyang state visit sa Gitnang Silangan.
Ngayong araw ay inaasahang makikipagpulong si Pangulong Duterte kay King Salman Bin Abdulaziz Al Saud sa Royal Private Residence para lagdaan ang ilang kasunduan.
Bukas, Abril 12 dadalo si Pangulong Duterte sa Philippine Riyadh Trade and Investment Forum at pagkatapos nito ay haharap ang Pangulo sa filipino Community doon.
Matapos ang dalawang (2) araw na state visit sa Saudi Arabia ay magtutungo naman ang Pangulo sa Bahrain at Qatar.
By Rianne Briones