Dumistansya si Pangulong Rodrigo Duterte sa hidwaan ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at House Speaker Pantaleon Alvarez.
Sa kanyang pagbisita sa burol ng pinatay na Overseas Filipino Worker na si Joanna Demafelis sa Sara, Iloilo, inihayag ni Pangulong Duterte na ipauubaya na niya sa anak at sa kaalyadong si Alvarez ang pagresolba sa issue.
Magugunitang sinupalpal ni Duterte-Carpio si Alvarez dahil sa batikos nito na bahagi na umano siya ng oposisyon makaraang magtatag ng isang political party na hiwalay sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan.
Gayunman, nilinaw ni Pangulong duterte na lokal na partido naman ang itinatag ng anak at hindi hiwalay sa PDP-Laban.
Posted by: Robert Eugenio