Dismayado si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginawang pag-absuwelto ng Department of Jusctice o DOJ kina Peter Lim at Kerwin Espinosa sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.
Ito ay ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque kung saan kinumpronta aniya ni Pangulong Duterte si Justice Secretary Vitaliano Aguirre at binalaang ipapalit kina Lim at Espinosa oras na makawala ang mga ito.
Iginiit din aniya ni Pangulong Duterte na meron siyang kapangyarihan na pag-aralan ang dismissal order at ipinag-utos na gamitin bilang ebidensiya ang ginawang pag-amin ni Espinosa sa mga pagdinig sa Kongreso.
Una nang sinabi ni Roque na hindi pa pinal ang resolusyon na inilabas ng DOJ at maaari pang magsumite ng panibagong ebidensiya ang Philippine National Police.
Nanindigan din si Roque na walang kinalaman sa pagiging magkumpare nina Lim at Pangulong Duterte sa kasal ang pagkaka-absuwelto nito sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.
—-