Mas hinigpitan pa ang seguridad na ipinatutupad ngayon sa Hong Kong kaugnay ng nakatakdang pagharap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Filipino community doon.
Ayon sa ulat, mahigpit ang bilin ng konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong na hindi papayagang dumalo sa nasabing okasyon ang mga walang imbitasyon.
Alas-3:00 mamayang hapon bubuksan ang registration sa mga dadalo sa okasyon at alas-5:00 naman ng hapon inaasahang haharap ang Pangulo sa mga OFWs o Overseas Filipino Workers sa Regal Airport Hotel.
Kabilang sa mga nais idulog ng mga manggagawang Pinoy sa Hong Kong ang sobra umanong mahal ng singil ng placement fee sa mga nais magtrabaho sa naturang bansa.
By Ralph Obina
Pangulong Duterte haharap sa Filipino community sa HK was last modified: May 13th, 2017 by DWIZ 882