Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na bigyang muli ng posisyon sa gabinete si Vice President Leni Robredo.
Pagpapatunay umano ito na seryoso ang pangulo sa alok nitong gawing drug czar si Robredo.
Ayon sa pangulo kapag tinanggap ni Robredo ang kanyang hamon, hindi lamang anim na buwan ang handa nyang ibigay na palugit para lutasin ang problema ng bansa sa illegal drugs.
‘’If I will take her in as the drug czar, I’ll have to first make her a cabinet member then I will give her the marching orders and the specific functions. All in connection with drugs kanya. All things matters in connection with drugs, iyo na yan. Hanggang katapusan ng term ko,’’ ani Pangulong Duterte.
Samantala, inulit ng pangulo na ang mga kritisismo ni Robredo ang ugat ng hamon niyang pangunahan nito ang kampanya ng pamahalaan kontra illegal drugs.
‘’Siya yung madaldal eh, dito pati sa labas. Baka may alam siya na mas mabuti. If she knows a better method of dealing with the problem, then baka may ano talaga. If you criticize, you must have the answer. If you question, you must have the answer. Wag ka magdala ng problema sa akin,’’ ani Pangulong Duterte.