Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na ibenta ang kaniyang kaluluwa kay Satanas para lamang matulungan ang mga Overseas Filipino Worker o OFWs na nakaranas ng kalupitan sa kanilang mga amo sa Kuwait.
Sa ginanap na mass oath taking sa Malacañang ipinahayag ng Pangulo ang kaniyang galit sa ginawa ng mga dayuhan habang ipinakita nito sa mga bisita ang larawan ng mga Pilipinang naging biktima sa Kuwait ng kalupitan, pang-aabuso, panghahalay at tratong hindi makatao.
Dahil dito tiniyak ng Pangulo na handang tumulong ang pamahalaan sa pangangailangan ng umuwi at uuwi pang mga OFW mula sa Kuwait matapos ipag-utos ang repatriation ng mga ito.
Hindi rin naiwasan ni Pangulong Duterte na patutsadahan ang nakalipas na administrasyon na tila aniya nanahimik na lang sa isyu ng pang-aabusong nararanasan ng mga OFW sa ibang bansa.
Posted by: Robert Eugenio