Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng Filipino citizenship ang mga Rohingya refugee.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa general assembly ng League of Municipalities of the Philippines sa Manila Hotel.
Ayon sa Pangulo, hindi makatuwiran ang akusasyon ng United Nations (UN) na may nagaganap na genocide sa Myanmar maging ang pakikialam ng ilang western nation sa internal conflict sa nasabing bansa.
“Sige sila pakialam diyan sa ano.. I’am willing to accept Rohingyas. Kung talagang walang mapuntahan, tatanggapin ko yan. Gawin kong Pilipino. I’am ready to accept refugees. Tutulungan natin yan.” Ani Pangulong Duterte
Nakasaad aniya sa 1987 Constitution na karapatan ng sinuman kabilang ang mga dayuhan sa Pilipinas na magkaroon ng maayos na tirahan kaya’t hindi siya magdadalawang-isip na bigyan ng citizenship ang mga Rohigya.
“I can only lean on the principle of our constitution that no man shall be deprived if life, liberty, or property without due process of law. Everyone. Foreigners or citizens are entitled to it. No exceptions.” Pahayag ni Pangulong Duterte
—-