Aminado si outgoing President Rodrigo Duterte na minsan ay nais niyang sumama sa Philippine Coast Guard upang bisitahin ang West Philippine Sea bilang sibilyan kahit isa itong “sugal”.
Ito ang inihayag ni Pangulo Duterte matapos ang commissioning ng BRP Melchora Aquino o multi-role response vessel 9702 ng PCG sa Pier 15, South Harbor sa Maynila, kahapon.
Ayon sa Punong Ehekutibo, kung iimbitahan siya na sumakay sa nabanggit na barko bilang isang sibilyan ay handa siyang pumunta sa pinag-aagawang karagatan.
Samantala, pinuri naman ni Pangulong Duterte ang PCG para sa “excellent record” nito sa pagtulong sa gobyerno sa pagpapanatili sa kalayaan at integridad ng bansa bilang isang republika.