Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na humarap sa korte para ipagtanggol ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na maiipit o mahaharap sa kaso dahil sa pagtupad sa kanilang tungkulin.
Ayon kay Duterte, kahit siya ay retirado na, hindi magiging problema kung hihingi ng tulong sakaniya ang PNP.
Sinabi ni Duterte na nakahanda siyang ipagtanggol at depensahan ang mga pulis na gumagawa ng ligal na operasyon kung saan, kaniyang sasagutin ang lahat ng usapin laban sa mga pulis na nalalagay sa balag ng alanganin dahil sa pagsunod sa kanyang mga polisiya.
Matatandaang pinaiimbestigahan ng International Criminal Court (ICC) ang drug war campaign ng administrasyon ni Duterte dahil sa paglabag umano sa karapatang-pantao ng mga nabibiktima sa operasyon.