Handa nang magpabakuna kontra COVID-19 sa harap ng publiko si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque bilang panghikayat na rin aniya sa mga Filipino na magpabakuna.
Ayon kay Roque, napagdesisyunan ng Pangulong gawain ito kung makapapagpapataas ito ng kumpiyansa sa mga filipino na tumanggap ng bakuna kontra COVID-19.
Gayunman wala pang itinakdang araw ng pagpapabakuna ng Pangulo.
Kaugnay nito, ipinabatid din ni Roque na kabilang din ang Pangulo sa priority population dahil isa na siyang senior citizen.