Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na tumuloy sa kanyang biyahe sa Kuwait kung mapagbibigyan ang inilatag nitong mga kondisyon para masigurong mapo-proteksyunan ang mga OFW o Overseas Filipino Workers doon.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kabilang sa kondisyon ng Pangulo ay hindi na kukunin ng mga employer ang passport ng mga OFW, hahayaan silang matulog ng hindi bababa sa pitong oras kada araw, papatayan silang magluto ng sariling pagkain, bibigyan ng isang araw na pahinga at higit sa lahat ay hindi aabusuhin.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kumikilos na sila upang maisama ito sa memorandum of understanding ng dalawang bansa.
Una nang sinabi ni Bello na posibleng irekomenda niya sa Pangulo na tanggalin na ang ban sa mga skilled workers habang mananatili naman ang ban sa mga household workers.
—-