Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa syang bigyan ng general amnesty ang mga miyembro ng New Peoples Army na bababa sa bundok at magbabalik loob sa gobyerno.
Pahayag ni Pangulo Duterte, asahan na, na sa mga darating na buwan ay marami pang mga rebelde ang susuko sa pamahalaan.
Ayon sa Pangulo, posibleng kausapin nya ang mga mambabatas upang pahintulutan syang magdeklara ng amnestiya para sa makakaliwang grupong NPA.
Ngunit paglilinaw ni Pangulong Duterte, hindi kabilang sa amnestiya ang mga kriminal o nakapatay ng walang kinalaman sa kanilang paniniwala.
By: Jopel Pelenio
SMW: RPE