Handang magbitiw sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sakaling mabigo umano itong mapuksa ang Maute Group o ISIS sa Mindanao.
Ipinaliwanag ng pangulo na nagdeklara siya ng martial law sa Mindanao upang tapusin na ang lahat ng problema sa rehiyong may kinalaman sa law and order.
Samantala, sinabi din ng pangulo na handa siyang magpunta sa Marawi city para kausapin ang mga terorista para mapalaya ang mga bihag at maibalik ang kaayusan sa Mindanao.
Una rito, ibinabala ng Pangulong Duterte na hindi siya magdadalawang isip na gawin ang mga dapat gaano man ito karahas, matalo lamang ang mga terorista.
By Ralph Obina
Pangulong Duterte handang magbitiw sakaling mabigong puksain ang Maute was last modified: May 25th, 2017 by DWIZ 882