Inako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang responsibilidad sa mga napaslang na hinihinalang drug traffickers at mga Alkaldeng sinasabing sangkot sa iligal na droga.
Sa kaniyang talumpati sa inagurasyon ng isang infrastructure project sa Puerto Princesa, Palawan, sinabi ng Pangulo na wala namang problema kung mayroon man siyang kasalanan, ito man ay intensyonal o hindi.
Ngunit tahasang sinabi ng Pangulo na kaniyang responsibilidad ang mga napatay na drug lords at Alkalde na ni-raid ng mga awtroridad.
Ayon sa Pangulo, kung meron mang dapat na makulong ito ay walang iba kundi siya.
Batay sa datos na inilabas ng gobyerno, nasa 6,181 ang nasawi sa mahigit 200K anti-drug operations na isinagawa mula noong Hulyo 2016 habang 25 rito ay pawang mga local officials.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico