Handa si Pangulong Duterte na makulong sakaling mapatunayan ang umano’y extrajudicial killing sa Pilipinas sa ilalim ng war on drugs ng kaniyang administrasyon.
Sa kaniyang ika-apat na state of the nation address, sinabi ng pangulo ang mga kondisyon niya sakaling siya ay makulong.
Aniya dapat ay mayroon siyang kumportableng piitan, mayroon din itong heater tuwing taglamig at aircon para naman sa tag-init.
Maliban dito, sinabi pa ng pangulo na dapat ay walang limitasyon sa pagbisita sa kaniya.
Matatandaang in-adopt ng United Nations Human Rights Counil ang resolusyon ng Iceland para bumuo ng comprehensive report ukol sa sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa.