Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kaalyadong si PDP-Laban President at Senador Manny Pacquiao na patunayan ang akusasyon na mas tiwali ngayon ang pamahalaan.
Ayon kay Pangulong Duterte, dapat tukuyin ni Pacquiao ang mga kagawarang sangkot sa korapsyon.
“Gaya ni Pacquiao, salita na 3 times daw tayo mas corrupt so Im challenging him, ituro mo opisina ng corrupt at ako na ang bahala within one week may gawin ako maglista ka Pacquiao at sinasabi mong 2 times kaming corrupt, ilista mo yung mga tao at opisina at dapat nilista mo na yon at ibigay mo sa akin.” Pahayag ni PDU30.
Aminado ang Pangulo na nagtataka siya kung saan nakuha ni Pacman ang impormasyon gayong nililinis naman ang mga tanggapang may bahid ng katiwalian.
“Kasi pagkaalam ko wala, DPWH noon was a really ah hard a notoriety of ah pero wala akong nakita ngayon na may corrupt meron marami na pero napaalis na naunahan na kita every administration will have a chair of problem of corruption.” Dagdag ng Pangulo.
Nagpatutsada rin ang punong ehekutibo hinggil sa pangako ng pambansang kamao na libreng pabahay kung magiging Presidente.
“For your dream of giving everybody houses in 6 years time just what ah just like ah Senator Enrile said ah goodluck na lang you must be dreaming.” Panghuling paliwanag ng Pangulo.